[ HOME ] [ ABOUT ] [ SITE NEWS ] [ Anime&Manga ] [ Balita at Pulitika ] [ Bisikleta ] [ Business&Investments ] [ Cars ] [ Creative ] [ Celphones&Gadgets ] [ Comments&Suggestions ] [ Computers ] [ Cosplay ] [ Dota ] [ Expats/OFW ] [ Facebook ] [ Food ] [ Health ] [ International ] [ K-pop ] [ Lifestyle ] [ Lounge ] [ Love ] [ Motorcycles ] [ Movies&TV ] [ Music ] [ OnlineGames ] [ Paranormal ] [ Pets ] [ PhilippineLife ] [ Photography ] [ Poetry&Stories ] [ Programming/R&D ] [ Random ] [ Rant ] [ Sci&Tech ] [ Showbiz ] [ Sports ] [ Travel ] [ Tcafe ] [ VideoGames ] [ Wildlife ] [ Work ]

|v| - Movies&TV

Latest movies and TV shows
Name
Subject
Comment
File
Embed

File: 1531820870141.jpg (93.73 KB, 782x960)

No. 289

Mainit na talakayin sa social media ngayon ang pelikulang pinagbibidahan ni Donalyn Bartolome at Meg Imperial na pinamagatang “Jacqueline Comes Home” na ipapalabas ngayong July 18, kuwentong hango sa rape-murder case ng Chiong Sisters sa Cebu.

Sinasabing ang pelikula base sa trailers nito ay bias at umanoy pabor sa panig ng mga Chiong at lalong nagdiin sa mga inosenteng naging totoong biktima dahil sa frame up at mistrials. Taliwas daw ito sa unang documentary film noong 2012 na Give Up Tomorrow na nagsasaad ng panig ng mga nasakdal kasama si Francisco Juan "Paco" Larrañaga na 19 taong gulang ng panahong yun at kapamilya ng mga Osmeña.

Ngunit ano nga ba ang talagang nangyari?

July 16, 1997 ng sinabing nawala ang Chiong sisters na sila Marijoy at Jacqueline. Ayon sa mga prosecutor, bandang 10:00 ng gabi, July 16 ng dinukot ang magkapatid sa isang mall sa Cebu , ginahasa at tinapon sa bangin, ngunit isang katawan lamang ang natagpuan, ang bangkay ni Marijoy.
Naging sentro ng paglilitis ang naging testimonya ni David Russia na umano ay isa sa mga nagsagawa ng krimen at tumistigo upang idiin si Francisco Juan "Paco" Larrañaga at 6 pang kasamahan nito para magkaroon siya ng blanket immunity.

Ayon sa report, ang natagpuang Si Marijoy ay namatay dahil sa brain hemorrhage (buhay ng itnulak sa bangin) at biktima ng rape ng iba't ibang lalaki. Nakulong at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang mga nasakdal taong 2004.
Ngunit taong 2006 ng ma-abolished ang death penalty sa Piilipinas. At taong 2009 ng nilipat sa kustudiya ng Espanya si Paco dahil sa dual citizenship nito at ikinulong sa Madrid Central Penitentiary sa Soto del Real.

Ngunit ayon sa panig nila Paco sila ay naging biktima ng unfair justice at mistrials, nagdusa sa kasalanang hindi nila ginawa ng hindi manlang nabigyan ng pagkakataong mapatunayan na sila ay inosente.
Dahil lingid sa kaalaman ng nakararami ganito ang nangyari sa panahon ng paglilitis:

• Binigyan lamang ng kalahating oras ang kampo nila Paco na litisin ang testigo na si David Russia kahit pa ilang araw ang tinagal ng kabuuan niyang testimonya.

• Ayon kay David Russia ay ni minsan hindi pa siya nagkaroon ng anumang kaso ngunit napag-alaman ng kampo nila Paco na nakulong na ito dati sa kasong burglary at forgery.

• Ayon kay David Russia ay magkasama sila ni Paco noong gabing naganap ang krimen ngunit ayon sa imbistigasyon at mga ebidensya ay nasa Quezon City si Paco ng gabing iyon at nakikiparty sa mga kaibigan. May ilan ding tumistigo na nagsasabing nakita nila ng panahong iyon si Paco na kausap sila Marjoy at Jacquiline sa Ayala Center, dagdag pa nila ay ma gusto umano si Paco kay Marijoy at stalker niya ito.

Ilang larawan, patunay at testimonya ang nagpapatunay noon ngunit deneklara ng hukuman na “irrelevant” at kanilang ni-reject gaya ng mga sumusunod:

- 35 na tistigo kasama ang mga guro at kakalase niya sa CCA ang nagsabing nasa Quezon City si Paco ng mga oras na naganap ang krimen at may mga ebidensya pa na nakikisaya siya sa mga kaibigan niya hanggang sa mag-uumaga.

- Ang security guard logbook ng condominium ni Paco sa Quezon City ay may lagda ng pagdating niya duon ng 2:45 am ng July 17.

- Dalawang instructor pa ng CCA ang nagsabi na kumuha pa ng midterm exams si Paco 8:am hanggang 1:30 pm ng July 17.

- Kinompirma ng Philippine Airlines na tanging 5:00 pm ng July 17 nagkaroon ng flight si Paco mula Manila to Cebu.

- Ayon kay Paco ay hindi niya kalapit si David Russia at nakilala niya lang ito ng tumistigo na ito laban sa kanya.

• Isang anggulo ng kaso ang hindi kinonsidera at inembistigahan: Umano’y involved sa isang drug cartel ang ama ng Chiong sisters at nakatalagang magtestigo laban sa umanoy drug lord na si Peter Lim ng Chinese Drug Triad na pinagsisilbihan niya bago mangyari ang krimen, ngunit hindi nito itinuloy.

• Nagpakamatay ang judge na humatol kila Paco na guilty matapos maibaba ang sentensya.

• Ang katawan ng Chiong sisters ay hindi talaga natagpuan dahil sa huling imbestigasyon ay hindi naman daw sa Chiong sister ang bangkay na natagpuan at hindi pa ito hinayaang imbistigahan ng forensics. Hindi nakilala ang bangkay which means may isang pamilya na naghahanap ng kapamilya nila at hindi nabigyan ng katarungan, sila ang tunay na biktima.

Noong 2011-2012 ng sinagawa ang documentary tungkol sa kaso sa pamagat na Give Up Tomorrow ay hindi nagbigay ng pahintulot at kooperasyon ang pamilya Chiong dahil umano ayaw nilang ungkatin ang sakit ng kalooban dahil sa nangyari at galit pa sila noon sa gobyerno dahil sa pagka-abolished ng death penalty at pagbibigay kay Paco sa kustudiya ng Espanya. Ngunit sa pelikula ngayon ay todo suporta sila lalo na ang ina ng Chiong sisters.

Nagkaroon din ng haka-haka na buhay si Jacqueline at Marijoy Chiong at nasa ibang bansa ngunit ayon naman sa iba ay hindi ito totoo at ang larawang kumakalat ay larawan ng bunso nilang si Debbie at isang kaibigan ni Thelma Chiong.

Sino nga ba ang totoong naging biktima?

Palagi nating tatandaan na mayroon tatlong bahagi ang kuwento, ang sa magkabilang panig at ang katotohanan. Sinuman ang pinaniniwalaan niyo na nagsasabi ng totoo, ang hindi maikukubli ay kung gaano kabulok ang sistema ng hustisya sa ating bansa.


Delete Post [ ]
[Return]
[ HOME ] [ ABOUT ] [ SITE NEWS ] [ Anime&Manga ] [ Balita at Pulitika ] [ Bisikleta ] [ Business&Investments ] [ Cars ] [ Creative ] [ Celphones&Gadgets ] [ Comments&Suggestions ] [ Computers ] [ Cosplay ] [ Dota ] [ Expats/OFW ] [ Facebook ] [ Food ] [ Health ] [ International ] [ K-pop ] [ Lifestyle ] [ Lounge ] [ Love ] [ Motorcycles ] [ Movies&TV ] [ Music ] [ OnlineGames ] [ Paranormal ] [ Pets ] [ PhilippineLife ] [ Photography ] [ Poetry&Stories ] [ Programming/R&D ] [ Random ] [ Rant ] [ Sci&Tech ] [ Showbiz ] [ Sports ] [ Travel ] [ Tcafe ] [ VideoGames ] [ Wildlife ] [ Work ]