Mainit na talakayin sa social media ngayon ang pelikulang pinagbibidahan ni Donalyn Bartolome at Meg Imperial na pinamagatang “Jacqueline Comes Home” na ipapalabas ngayong July 18, kuwentong hango sa rape-murder case ng Chiong Sisters sa Cebu.
Sinasabing ang pelikula base sa trailers nito ay bias at umanoy pabor sa panig ng mga Chiong at lalong nagdiin sa mga inosenteng naging totoong biktima dahil sa frame up at mistrials. Taliwas daw ito sa unang documentary film noong 2012 na Give Up Tomorrow na nagsasaad ng panig ng mga nasakdal kasama si Francisco Juan "Paco" Larrañaga na 19 taong gulang ng panahong yun at kapamilya ng mga Osmeña.
Ngunit ano nga ba ang talagang nangyari?
July 16, 1997 ng sinabing nawala ang Chiong sisters na sila Marijoy at Jacqueline. Ayon sa mga prosecutor, bandang 10:00 ng gabi, July 16 ng dinukot ang magkapatid sa isang mall sa Cebu , ginahasa at tinapon sa bangin, ngunit isang katawan lamang ang natagpuan, ang bangkay ni Marijoy.
Naging sentro ng paglilitis ang naging testimonya ni David Russia na umano ay isa sa mga nagsagawa ng krimen at tumistigo upang idiin si Francisco Juan "Paco" Larrañaga at 6 pang kasamahan nito para magkaroon siya ng blanket immunity.
Ayon sa report, ang natagpuang Si Marijoy ay namatay dahil sa brain hemorrhage (buhay ng itnulak sa bangin) at biktima ng rape ng iba't ibang lalaki. Nakulong at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang mga nasakdal taong 2004.
Ngunit taong 2006 ng ma-abolished ang death penalty sa Piilipinas. At taong 2009 ng nilipat sa kustudiya ng Espanya si Paco dahil sa dual citizenship nito at ikinulong sa Madrid Central Penitentiary sa Soto del Real.
Ngunit ayon sa panig nila Paco sila ay naging biktima ng unfair justice at mistrials, nagdusa sa kasalanang hindi nila ginawa ng hindi manlang nabigyan ng pagkakataong mapatunayan na sila ay inosente.
Dahil lingid sa kaalaman ng nakararami ganito ang nangyari sa panahon ng paglilitis:
Post too long. Click here to view the full text.